Commitment ng pamahalaan sa paglaban sa climate change, pinagtibay ni PBBM

Pinagtibay ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang commitment ng pamahalaan sa paglaban sa climate change.

Ayon sa pangulo, patuloy na isinusulong ng pamahalaan ang mga hakbang para tugunan ang climate change kabilang na ang maigting na kampanya sa paggamit ng clean, green, at renewable energy at energy efficiency and conservation measures.

Titiyakan aniya ng pamahalaan na maiibigay nito ang nararapat na aksiyon sa gitna ng nararanasan ng epekto ng pagbabago ng klima.


Hinimok din ng pangulo ang publiko na sama-samang kumilos laban sa climate change para sa kinabukasan ng lahat.

Facebook Comments