Ngayong umaga ay nasa 128 na Certificates of Canvass o COCs na ang nai-turn over sa Senado at mahigpit na binabantayan.
Iyan ay katumbas ng 73.99% ng kabuuang 173 COCs na inaahasang maito-turn over sa Senado bago magsimula ang canvassing ng boto para sa pangulo at ikalawalang pangulo.
Kaninang umaga ay nai-transmit sa Senado ang COCs mula sa Quezon Province, Isabela, Mountain Province, Lapu-Lapu City, Davao del Norte, General Santos City, Sultan Kudarat at North Cotabato.
Natanggap na rin ng Senado ang COCs ng absentee voting mula sa India, Lebanon at Italy.
Inaasahan na magko-convene ang Senado at Kamara sa May 24 bilang National Board of Canvassers o NBOC Congress na magbibilang ng mga boto at magpoproklama sa nanalong presidente at bise presidente.