Manila, Philippines – Sumailalim na sa kaukulang training ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Academy sa Camp General Mariano N. Castañeda, Tartaria, Silang, Cavite ang nasa 128 na proposeyonal na may natatanging kakayahan para isabak sa giyera laban sa droga ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Derrick carreon spokesperson ng PDEA, sa buwan ng Disyembre ay inaasahang magtatapos na ang 128 na kumukuha ngayon ng Drug Enforcement Officer Basic Course.
Ang hinahanap ng PDEA ay ang may sumusunod na kuwalipikasyon:
Mga kababaihan at kalalakihan na nasa edad na 21 to 35 ; may taas na 5’ (babae) at 5’2” (lalaki) graduate ng baccalaureate degree, Career Service Professional eligibility, board passer o pasado sa alinmang Civil Service Commission
Ang mga interesadong aplikante ay maaaring magpadala ng letter of application sa Philippine Drug Enforcement Agency, NIA Northside Road, National Government Center Barangay Pinyahan, Quezon City.