Pagkakapatay kay Richard Prevendido at anak nito, nagpapakita ng tunay na piligro sa buhay ng mga pulis ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng MalacaƱang na ang pagkakapatay kay Richard Prevendido at anak nito ay nagpapatunay lamang sa piligro na hinaharap ng mga pulis na ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Matatandaan na kagabi ay nanlaban umano ang mga Prevendido sa mga pulis na magsisilbi sana ng warrant na nagresulta sa pagkakapatay sa mga ito.

Ayon kay Preside tial Spokesman Ernesto Abella, sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa usapin.


Nagaabang din naman aniya ang Malacanang sa anomang update na maibibigay ng PNP sa nasabing insidente.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na poprotektahan niya ang mga pulis na ginagampanan ng tama ang kanilang tungkulin at dapat din aniyang protektahan ng mga pulis ang kanilang buhay laban sa mga manlalabang suspect.

Facebook Comments