Ang mga benepisyaryo ng programa ay mula sa mga bayan ng Diffun, Aglipay, at Maddela kung saan tumanggap ang mga ito ng hindi hihigit sa P8,000 halaga ng livelihood kits ang bawat isa.
Ilan lamang ang mga retailers kit, furniture tools, health and safety kit, sari-sari store package, food processing kit, support to tourism kit, at agribusiness kit sa mga natanggap na livelihood kits ng mga benepisyaryo bilang tulong sa pagpapanumbalik at pagpapabuti sa kanilang mga negosyo.
Pinangunahan ang naturang aktibidad nina Quirino Governor Dakila Carlo Cua at maybahay na si Midy Cua kasama si Provincial Administrator Carmelita B. Jimenez gayundin ang mga kinatawan ng mga alkalde sa bawat bawat bayan gaya ni Gng. Luzviminda D. Magpayo (Executive Assistant II – Diffun), SK Federation President Christopher John Abejuela ng LGU Aglipay at Economic Enterprise Officer G. George O. Colebra ng LGU Maddela.
Nagpasalamat naman si Governor Cua sa ahensya para sa pagbibigay ng karagdagang tulong para sa mga MSMEs.
Labis naman ang pasasalamat ni DTI R2 Quirino OIC Provincial Director Mary Ann Corpuz-Dy sa mga benepisyaryo bilang nagsisilbing bayani ngayong pandemya.
Nauna nang nakatanggap ng livelihood kits ang mga bayan ng Cabarroguis, Saguday, at Nagtipunan noong Disyembre 2021.