12th United Nations convention sa pangangalaga sa mga migratory species, isasagawa sa Pilipinas

Manila, Philippines – Mula October 23 hanggang 28, magiging punong abala ang Pilipinas sa pandaigdigang pagpupulong kaugnay ng pangangalaga sa mga tinatawag na migratory species at ng kanilang habitats o tahanan.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu,ang 12th United Nations Convention on Migratory Species ay dadaluhan ng nasa 900 na ministrong pangkalikasan ng member countries, mga executives ng international organizations at mga goodwill ambassadors.

Kabilang sa mga tatalakayin ay ang pagtutulungan para sa sustainable development and pangangalaga sa mga nauubos nang species sa ilang partikular ang migratory species.


Sinabi ni Cimatu na pagkakataon ito upang maisama sa panawagan ang proteksyon sa migratory sites ng Whale Shark Rhincodon typus o mas kilala sa tawag na butanding.

Ang binansagang gentle giant’ ay nagpasigla sa turismo sa ilang probinsya tulad ng Sorsogon at Cebu.

Facebook Comments