2 katao sugatan sa nangyaring aksidente sa Makilala North Cotabato

Dalawa katao ang sugatan ng masangkot sa road accident sa national highway ng Sitio Patulango barangay Malasila, sa bayan ng Makilala, North Cotabato kahapon.
Kinilala ang sugatan na sina Eddie Cabaron Jerawon, 24-anyos, driver ng elf residente ng Brgy. Saguing sa Makilala habang ang sugatan ay kinilalang si Anthony Morta Familgan trabahante ng DPWH .
Sa report mula sa Makilala Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office nangyari ang insidente pasado alas tres ng hapon kahapon. Binabaybay ng elf ang Makilala-Davao road galing ng Davao City patungo ng Kidapawan City nang magkaaberya ang sasakyan at nawalan ng preno hanggang sa bumangga sa mixer at dito na nasaktan ang trabahanteng si Familgan na nagta-trabaho sa ginagawang road widening ng DPWH sa lugar. Kaagad ding isinugod sa pagamutan ang mga sugatan.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments