Umabot na sa higit 13.93 million beneficiaries ang nakatanggap ng kanilang second tranche ng emergency subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Batay sa pinakahuling SAP monitoring report, mula nitong October 4 ay aabot na sa 13,938,607 beneficiaries ang nakatanggap ng SAP 2 aid na nagkakahalaga ng ₱83.3 billion.
Katumbas ito ng 98.7% ng higit 14 million target beneficiaries.
Pagtitiyak ng DSWD na patuloy ang pamamahagi ng emergency cash subsidy sa mga benepisyaryo ng SAP kabilang ang mga ‘waitlisted’ o karagdagang pamilya.
Facebook Comments