13-anyos lalaki, pinatay ang nakababatang kapatid habang naglalaro ng pulis-pulisan

4496
iStock

Nauwi sa trahedya ang libangan ng dalawang magkapatid na lalaki sa Pennsylvania, USA matapos barilin ng 13-anyos ang nakababata habang naglalaro ng “cops and robbers.”

Dinakip ng pulisya si Brayden Leroy Wright, 13, na aminadong pinaputukan sa ulo ang 9-anyos niyang kapatid dala raw ng galit noong Miyerkules, ayon sa The Patriot News.


Rumesponde ang awtoridad kasunod ng tawag ni Wright sa 911 bandang alas-6 ng umaga at nadatnan ang nakababata na duguan ang ulo.

Naisugod pa sa ospital ang paslit ngunit namatay rin kalaunan.

Napag-alaman na ginamit ni Wright sa krimen ang 9mm handgun ng pagmamay-ari ng kanilang ama na si Matthew Snyder.

Aminado naman si Snyder na hindi ikinandado ang lagayan ng dalawa niyang baril, dahilan upang magamit ng anak sa paglalaro.

Ayon sa awtoridad, sinabi ni Wright na alam niyang may bala ang baril at sinadyang iputok sa ulo ng kapatid dahil hindi raw ito nakikinig sa kanyang mga utos habang naglalaro.




Sinampahan si Wright ng kasong homicide at aggravated assault na nakatakdang dinggin sa korte Lunes, Hulyo 13.

Facebook Comments