Halos isang libong repatriated OFWs mula Qatar, nakauwi na sa bansa

38

Nakauwi na sa bansa ang nasa 912 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Qatar.

Ayon kay Philippine Ambassador to Qatar Alan Timbayan, dumating ang mga OFW, kabilang ang ilang sanggol, nitong Mayo at Hulyo.


Sa ngayon, nakikipagtulungan na ang embahada sa pamahalaan ng Qatar at sa ilang paliparan para naman sa maayos na pagpapauwi sa bansa ng nasa 4,600 pang OFWs.

Sinabi naman ni Timbayan na 15 pinoy ang tinamaan ng COVID-19 sa Qatar.

Batay sa Johns Hopkins University and Medicine Coronavirus Resource Center, nakapagtala ng 103,598 kaso ng COVID-19 ang Qatar kung saan 147 ang nasawi,

Facebook Comments