13 Anyos na Batang Nawawala sa Lungsod ng Cauayan, Nasa Maayos nang Kalagayan Matapos Maglayas!

*Cauayan City, Isabela-* Kinumpirma mismo ng 13 anyos na grade 7 student na si Angelica Juan Ramos ng brgy San Francisco, Cauayan City, Isabela na siya ay nasa maayos na kalagayan matapos ipanawagan ng kanyang mismong tatay na siya ay nawawala mula pa noong Miyerkules, Nov. 14, 2018.

Batay sa eksklusibong pakikipanayam ng RMN Cauayan kay Dr John Mina, principal ng Cauayan City National High School, nag-message aniya ang dalagita na ito ay nasa maayos na kalagayan sa poder ng mga madre sa Maynila.

Malaki rin aniya ang posibilidad na naglayas ang dalagita at may pinagdaraanang problema base narin sa kanilang pag-uusap sa social media.


Sa kanilang pag-uusap ay hindi na binanggit ng dalagita kung saang lugar ito nanunuluyan sa poder ng mga Madre sa Maynila.

Pinapasabi naman ng dalagita sa kanyang mga kaanak at kaibigan na wag na umano silang mag-alala at kanya na rin umanong kakausapin ang kanyang nanay na nasa Hongkong na huwag na ring mag-alala dahil nasa maayos na kalagayan na ito.

Facebook Comments