PARA I-WELCOME | Mga elementary student, kinuha ng Malacañang para salubungin si Chinese President Xi Jinping

Manila, Philippines – Mahigit 1 libo ang mga elementary students mula sa Maynila ang sasalubong kay Chinese President Xi Jinping sa MalacaƱang mamayang 4:30 ng hapon.

Ang mga magaaral ay mula sa Aurora Quezon elementary School sa Malate, Epifanio delos Santos Elementary School sa Paco at Bagobantay Elemtary School.

Ang mga ito ay binubuo ng mga Grade 3 hanggang Grade 6 Students na hiniling ng MalacaƱang na manguna sa welcoming kay President Xi habang ito ay papasok sa Palasyo.


Sagot naman ng MalacaƱang ang transportation ng mga ito papunta sa MalacaƱang hanggang pauwi at libre din naman ang pagkain ng mga bata sa tanghalian hanggang sa Hapunan.

Tatagal kasi ang mga ito sa MalacaƱang hanggang matapos ang mga aktibidad ni President Xi sa Palasyo na pasado 7 ng gabi.

Facebook Comments