13-ANYOS NA BINATILYO, NALUNOD MATAPOS MADULAS AT MAHULOG SA ILOG

CAUAYAN CITY – Patay ang isang 13-anyos na binatilyo matapos malunod sa isang ilog sa Purok 7, Brgy. Sisim Alto, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Aldrich Robles, isang grade 7 student, at residente ng Brgy. Lingaling, Tumauini, Isabela.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, nagtungo sa ilog ang biktima kasama ang tatlo nitong kaibigan na pawang menor-de-edad para mag-picnic.

Nang naroon na sa ilog, nadulas umano ang biktima sa gilid ng bangin at nahila ang paa ng isa sa kanyang mga kaibigan dahilan upang mahulog silang dalawa sa ilog.

Agad namang tumulong ang isa din sa kaibigan ng biktima upang sila ay maiahon ngunit matapos makaahon, muling nadulas ng biktima at dito na nalunod.

Sinabukan muling saklolohan ang biktima subalit sa pagkakataong ito ay bigo ng nakita ang katawan ng biktima kaya naman hiningi nila ang tulong ng isang lalaki na noon ay nagpapahinga sa isang kubo malapit sa ilog.

Nahanap naman ang katawan ng binatilyo kaya naman agad itong dinala sa pagamutan subalit idineklara itong Dead on Arrival (DOA).

Facebook Comments