SUV, SUMALPOK SA NAKAPARADANG TRAK MATAPOS UMANONG MAKATULOG ANG DRIVER

Sugatan ang driver at isang pasahero ng isang SUV matapos sumalpok sa nakaparadang trak noong hapon ng Sabado, Marso 21, sa kahabaan ng national road sa Brgy. Sta. Maria, San Jacinto, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakaparada ang trak sa gilid ng kalsada nang sumalpok ang isang SUV, lulan ang anim na katao.

Hinihinalang nakatulog ang driver ng SUV habang nagmamaneho na dahilan ng insidente.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang mga biktima, kung saan kinumpirma rin ng sumuring doktor na walang nakainom sa mga driver ng dalawang sasakyan.

Samantala, isinuko naman sa kustodiya ng pulisya ang mga napinsalang sasakyan para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments