13-anyos na buntis, nagpakamatay matapos umanong gahasain ng 6 na kalalakihan

43787

Nasawi ang isang 13-anyos na babae matapos tumalon mula sa bubong ng kanilang ilang palapag na apartment sa Bangkok Thailand, Nob.15.

Kinilala ang biktima sa pangalang Pinkie na sinasabing na gang raped umano ng anim na kalalakihan noong gabi ng Nob.11 sa kanilang tinutuluyan.


Ayon sa ulat, mismong gabi bago siya tumalon, nagpadala pa ng larawan si Pinkie sa kanyang kaibigan habang nakaupo sa bubong at saka nag-iwan ng mensaheng,

“I’m about to go, I love you.”

Lumalabas rin sa imbestigasyon na makailang beses na rin nagpost sa Facebook ang dalaga at sinasabing,

“I’m about to go” at “If I wasn’t pregnant, I would have gone a long time ago”.

Batay sa salaysay ng ina ni Pinkie, nakararanas raw ng matinding stress ang anak matapos itong gahasain ng anim na kalalakihan sa kanilang apartment sa kabila ng kanyang kalagayan.




Sinasabing nalaman ng dalaga na siya ay nagdadalantao isang buwan bago siya magpakatiwakal.

Ayon pa sa nanay ni Pinkie, sinubukan pa niyang pigilan ang anak ngunit hindi ito nagtagumpay.

Samantala, dalawa sa mga suspects ay kinilala na ng mga pulis ngunit naiulat umano sa kanila na anim ang sangkot sa krimen na hanggang ngayon ay tinutugis pa rin.

Sabi naman ng dalawang lalaking nahuli, kagustuhan raw ni Pinkie ang makipagkita sa kanila noong gabing nangyari ang panghahalay.

(Sa mga nakararanas ng depresyon, huwag mag-alinlangang sumangguni sa malalapit na kaibigan at espesyalista.

Maari ring tumawag sa “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health (DOH):

(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084)

Facebook Comments