13 anyos na Estudyanteng Nagbibisekleta, Patay nang Makaladkad ng Tricycle!

*Tumauini, Isabela- *Patay ang isang estudyante nang kaladkarin ng isang tricycle habang nagbibisekleta sa kahabaan ng Brgy. Namnama, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Khennedy Angelo Tabug, 13 anyos, residente ng Brgy. Cubag, Cabagan, Isabela.

Sa impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), habang nagbibisekleta ang biktima patungong west direction kasama ang dalawa nitong convoy at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay nahagip at pumailalim ito sa mabilis na tricycle na sumusunod sa kanilang likuran.


Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang 13 anyos na biktima at naisugod pa sa pagamutan subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Inihahanda ng PNP Cabagan ang kaukulang kaso laban sa suspek.

Facebook Comments