Netizens, nag-react sa kuwento ng Wowowin contestant na nabuntis noong 13-anyos

550
Courtesy of Wowowin YouTube

Umani ng negatibong komento sa social media ang kuwento ng isang contestant sa Wowowin na nabuntis noong 13-anyos pa lamang ito ng asawa niyang 34-anyos ang tanda sa kanya.

Tampok sa episode na iyon ang mga graduate sa Senior High School ngayong 2019, ngunit naging kapansin-pansin ang kuwneto ni Ghemz.


Kuwento ng contestant, 13-anyos siya ng mabuntis ni Mang Bert, asawa niya, na ngayon ay 66-anyos na.

Hindi niya ito ipinaalam sa magulang noon dahil sa takot, at itinago ang pagbubuntis sa probinsya maski hanggang sa pangalawang anak niya.

Sa ngayon, may 13 anak na rin ang mag-asawa na parehong nangangalakal ng mga karton, papel, at plastik.

Reaksyon ng netizens

Bagama’t kapuri-puri ang desisyon ni Ghemz na ipagpatuloy ang pag-aaral kahit na sabay na sila ng anak niyang pumapasok sa school, hindi ito nakaligtas sa mga kritiko, lalo na ang asawa niyang si Mang Bert.

May ilang nagsabi na maiintindihan nila kung sa kasalukuyang edad nagsama ang dalawa, pero ibang usapan anila ang 13-anyos na mabubuntis ng 47-anyos.




May mga nagbato rin ng sisi sa mga magulang ni Ghemz, kung bakit anila naging masyadong maluwag at “pabaya”.

May mga netizens din na binatikos ang GMA dahil anila niroromanticize ng network ang pedophilia.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Sa kabila nito, hindi naman nawala ang mga komentong nagsasabing hindi na dapat pakialaman pa ang buhay ng ibang tao.

Facebook Comments