Mula sa 13 barangays, anim (6) ang mula sa Isabela; apat (4) sa Cagayan; at tatlo (3) sa Nueva Vizcaya.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PDEA Regional Director Joel Plaza, marami aniya ang kanilang tinitignan at ikinokonsiderang bagay bago maideklara na drug cleared ang isang barangay.
Kabilang na rito ang mga nagawa ng Barangay Drug Abuse Council o BADAC members, programa na ipinatupad sa kani-kanilang barangay laban sa illegal na droga, mga tulong pangkabuhayan na naibigay sa mga drug surenderees at kung mayroong support group na nag-iimplimenta ng anti-drug programs sa kanilang sakop na barangay.
Sinabi rin nito na may mga barangay pang hirap makapasa sa assessment ng PDEA dahil mayroon pang mga binabantayang indibidwal na nasasangkot sa illegal drugs at sa pagbabalik-sigla na rin ng ekonomiya mula sa COVID-19 pandemic.
Ibinahagi pa ni RD Plaza na nasa 94% na ang naideklarang drug cleared na barangay sa buong Lambak ng Cagayan.
Samantala, bagamat may mga nahuhuling indibidwal na sangkot sa illegal na droga ay “manageable” pa naman ang status ng droga at ipinagbabawal na gamot sa rehiyon pero ganunpaman ay paiigtingin pa ang kanilang kampanya kontra iligal na droga katuwang ang PNP at mga LGUs para matutukan ang mga taong sangkot sa droga.
Paalala nito sa publiko na kung may matanggap na impormasyon hinggil sa drug activities ay isumbong agad sa mga pulis o sa mga kawani ng PDEA para agad itong maaksyunan.