13 bayan sa ARMM Awardee ng Seal of Child Friendly

23

Labing tatlong Local Government Unit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ang binigyan ng pagkilala o parangal ng Seal of Child Friendly ng Department of Interior and Local Government ARMM.
Walong LGU ay nagmumula sa Maguindanao, apat mula sa Lanao Del Sur at isa Sulu.
Kabilang ang mga LGU ng Parang, Datu Abdullah Sangki, Barira, Datu Odin Sinsuat, Sultan Kudarat, Sultan Mastura, South Upi at Upi sa Maguindanao, Piagapo, Balindong, Binidayan, at Kapatagan sa Lanao Del Sur at Talipao sa lalawigan ng Sulu.
Sinasabing kabilang sa naging basehan ng pagpili sa mga awardee ay pagbibigay ng pagpapahalaga sa kapakanan at mga karapatan ng mga kabataan sa kani kanilang mga bayan.
Nakatakda ang gagawing Awarding Ceremony sa Nov. 10 sa Davao City at inaasahang pangungunahan ito ni DILG ARMM Secretary Atty. Kirby Abdullah.

GOOGLE PIC

Facebook Comments