13 Bayan sa Region 2, Nasa Critical Risk Epidemic

Cauayan City, Isabela- Nasa ‘Critical risk’ classification ang labing tatlong (13) bayan sa rehiyon dos.

Sa pinakahuling datos ng DOH Region 2, kabilang sa 13 na nasa critical risk epidemic ay ang dalawang bayan sa Lalawigan ng Cagayan tulad ng Peña Blanca at Ballesteros; Gamu, Cordon, Ramon, Cabatuan, Sta. Maria, at San Pablo naman sa Lalawigan ng Isabela.

Maging ang bayan ng Maddela at Diffun sa Quirino Province; Aritao, Kasibu, at Dupax Del Sur sa Nueva Vizcaya ay nasa critical risk na rin sa COVID-19 pandemic.


Ang mga nabanggit na lugar ay nakapagtala ng mataas na “growth change rate” sa kanilang mga aktibong kaso ng COVID-19.

Ibig sabihin pa nito, dati ay wala o kakaunti lamang ang aktibong kaso pero sa loob lamang ng ilang araw ay bigla itong dumami.

Gayunman, nilinaw ng DOH Region 2 na hindi ibig sabihin na ang mga nasabing bayan na nasa critical epidemic risk classification ang siyang may pinakamataas na kaso sa ngayon.

Nananatili pa rin ang Tuguegarao City na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon.

Facebook Comments