Kaso ng Delta Variant sa Region 2, Nadagdagan ng 32

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng 32 na panibagong kaso ng Delta variant ang rehiyon dos.

Ayon ito sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), kung saan mula sa 473 na naitalang karagdagang kaso ng Delta variant sa buong bansa, ang 32 rito ay nagmula sa Lambak ng Cagayan.

Panglima naman ang rehiyon dos sa may pinakamataas na naidagdag sa kaso ng Delta variant.


Kamakailan ay nakapagtala ang rehiyon dos ng limang (5) panibagong kaso sa bayan ng Tumauini, Santiago City at Tuguegarao City.

Iaanunsyo naman ng DOH Regional Office 02 kung saan lugar sa rehiyon ang 32 na panibagong kaso ng mas nakakahawang sakit.

Facebook Comments