13 indibidwal, arestado dahil sa pagbebenta ng overpriced na gamot sa Maynila

Hinuli ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang 13 indibidwal sa magkakaibang lugar sa lungsod ng Maynila dahil sa pagbebenta ng overpriced Tocilizumab, isang anti-inflammatory drug na para sa rheumatoid arthritis.

Batay sa ulat ng PNP-CIDG, ibinibenta ng 13 indibidwal ang Tocilizumab 400 mg ng P85,000 price set habang ang 80 mg ay P25,000.

Pero batay sa Department of Health (DOH) ang suggested price ng 400mg ng Tocilizumab ay mahigit 28,000 pesos lang at ang 800mg ay mahigit 8,000 lang.


Sa isinagawang entrapment operation nakumpiska ng CIDG ang nasa 40 piraso ng nasabing gamot na may estimated market value na mahigit P1.1 million.

Isinagawa ang entrapment operation sa may bahagi ng UN Avenue, Ermita, kahabaan ng Lacson St., corner Dapitan St., España, lahat ay sa lungsod ng Maynila.

Sa ngayon, nahaharap na ang 13 katao sa kasong paglabag sa Republic Act 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009 dahil sa Unauthorized selling at RA 7581 o Price Act dahil sa Profiteering o ang pagbebenta ng overpriced medicine.

Facebook Comments