PNP personnel, na nabakunahan na kontra COVID umabot na sa mahigit 13,000

Nasa 13,141 na mga tauhan at opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang nabakunahan na ng anti-COVID-19 vaccine.

Ito ay batay sa ulat ni PNP Administrative Support to COVID 19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar.

Aniya sa bilang na ito, 10,844 nakatanggap na ng first dose ng bakuna, kung saan 8,847 ay naturukan ng Sinovac vaccine, 1,992 ay AstraZeneca vaccine, tatlo ay Moderna vaccine at 2 ay Pfizer.


Ayon pa kay Eleazar, mayroong 2,297 PNP personnel ang nakakumpleto na ng 2nd dose ng bakuna.

Sa ngayon, patuloy na naghihintay ng dagdag na supply ng bakuna ang PNP para sa kanilang vaccination program.

Facebook Comments