Napailawan na ang labing tatlong kabahayan na binubuo ng 16 pamilya o katumbas ng 59 indibidwal matapos ang ilang buwang walang suplay ng kuryente sa Sitio Maharlika, Brgy. San Lorenzo, Laoag City.
Ang mga naturang residente ay nirelocate ng lokal na pamahalaan mula sa Brgy. San Pedro upang bigyang-daan ang konstruksyon ng provincial transport hub.
Ngayong mayroon nang permanenteng suplay ng kuryente, aminado ang mga residente sa ginhawang maidudulot nito.
Sa datos ng Ilocos Norte Electric Cooperative, mayroon pang aabot sa 1,700 kabahayan sa Ilocos Norte ang wala pang koneksyon sa distribution line ng tanggapan ang target na maisaayos.
Plano namang makipag-ugnayan pa sa mga lokal na pamahalaan upang mapailawan ang isang daang porsyento ng mga natitirang kabahayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









