*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang 13 katao kabilang ang 5 Most Wanted Person sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Lambak ng Cagayan dahil sa pinagting na *Oplan Manhunt Charlie. *
Ayon sa pamunuan ng Police Regional Office No. 2, nakilala ang mga nadakip na sina Marcelino Balisi, 23 anyos, Top 3 Municipal Level, binata, isang magsasaka at residente ng Brgy. Roma Norte, Enrile, Cagayan para sa kasong Panggagahasa; Dexter Cajimat, 29 anyos, Top 3 Municipal Level, magsasaka at residente ng Sitio Dinili, Calaocan, Bambang para sa kasong Pagpatay at Judy Onat, 38 anyos, Top 4 Municipal Level, walang asawa, isang magsasaka at residente Brgy. Pelaway, Alfonso Castaneda para sa kasong Theft at kapwa taga-Probinsya ng Nueva Vizcaya.
Kinilala din ang iba pa na sangkot sa iligal na gawain na sina Benito Ines, 53 anyos, Top 8 Municipal Level, may asawa, isang construction worker at residente ng Brgy. Pagsanahan Norte, Badoc, Ilocos Norte matapos maaresto sa kasong Frustrated Homicide; Luis Sera, 35 anyos, Top 10 Municipal Level, may asawa at residente naman ng Tangatan, Sta. Ana, Cagayan matapos maaresto sa kasong RA 9262 o Violation Against Women and Children.
Samantala, naaresto din sa iba pang operasyon ng mga awtoridad sina Ramil Bruzo, 45 anyos,may asawa, isang sekyu at residente ng Brgy. Pelaway, Alfonso Castaneda na nahaharap sa kasong Slander o Oral Defamation sa ilalim ng Art. 358 at Frederick Nesperos, 38 anyos, binata, isang construction worker at residente ng Bacarra St., Brgy. Quezon, Solano matapos maaresto sa kaso g Iligal na Droga at kapwa naninirahan sa Probinsya ng Nueva Vizcaya habang kinilala din ng pulisya si Fred Matias, 40 anyos, walang asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Tiblac, Ambaguio, Nueva Vizcaya para sa kasong Qualified Trafficking in Person; Francis Fernando, 29 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Bagnos, Alicia, Isabela para sa kasong Acts of Lasciviousness. Gayundin sina Exequiel Guiab Jr., 39 anyos, may asawa, isang laborer at residente ng Brgy. San Pedro, Bagabag, Nueva Vizcaya na nahaharap sa kasong RIR Damage to Property habang kinilala din si Rodante Reyes, 43 anyos, walang asawa, isang magsasaka at Reynante Reyes, 35 anyos, may asawa, isang laborer maging si Pedro Reyes, 65 anyos, balo, isang magsasaka na kapwa mga residente ng Brgy. Santiago, Reina Mercedes, Isabela na nahaharap sa kasong Attempted Murder.
Pinuri naman ni Regional Director PBGen. Angelito Casimiro ang lahat ng kapulisan matapos maaresto ang mga wanted sa batas.