13 katao huli sa paglabag sa Dicipline hour

Labing tatlo katao ang naaresto ng Ronda team na pinangunahan ni mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi at ni Col.Rolly Octavio matapos na lumabag sa curfew hour noong sabado ng gabi sa magkakahiwalay na lugar. Unang naaresto ang tatlo katao na naglalaro ng baraha ng madaanan ng mga ronda team asado alas onse ng gabi.Sumunod na nahuli ang sampu katao na naglalaro ng billard dis oras din ng gabi sa area ng PP2.Silang 13 ay kaagad na dinala sa police station at kinuha ang mga pangalan at doon narin sila nakatulog. Wala paring puknat ngayon sinaMayor Cynthia at Col.Octavio sa pagroronda sa gabi kahit pa Ramadan.Kayat paalala nila sa mga residente na huwag magpagabi sa daan para hindi mahuli ng ronda team.

Facebook Comments