13 Katao, Sugatan Nang Mabangga ang Sinasakyang Kuliglig!

187

*Roxas, Isabela-* Sugatan sa iba’t-ibang parte ng katawan ang 13 katao na sakay ng kuliglig matapos mabangga ng sumusunod na sasakyan sa Brgy. San Luis, Roxas, Isabela.

Kinilala ang mga biktima na sina Gerald Bueno, 28 anyos, Carmelita Marquez, 43 anyos, Ayexa Stefanie Bueno, 5 anyos, Adelaida Dumaguing, 64 anyos, pawang mga residente ng Brgy Lanting, Roxas, Isabela.

Sugatan rin sina Christel Mae Fernandez, 13 anyos, Valerie Fernandez, 10 anyos, Rosalina Baraya, 74 anyos, Vilma Alejandro, 46 anyos, Jhasey Curameng, 7 anyos, Jovy Curameng, 6 anyos, mga residente ng Brgy San Luis, Roxas, Isabela.

Kasama pa sa mga sugatan na sakay ng kuliglig ay sina Grace Castillo, 30 anyos, Althea Castillo, 2 anyos, kapwa residente ng Brgy. Luttuad, Diffun, Quirino at si Gemalyn Dulnuan, 33 anyos, residente naman ng Simmanongon Norte, San Pablo, Isabela.

Habang ang suspek at driver ng Isuzu Hi-Lux ay nakilalang si Jose Ramil Rostigue, 25 anyos, binata, isang Animal Production Specialist at taga Brgy. Bulanao Norte, Tabuk City, Kalinga.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), patungong West direction ang kuliglig na minamaneho ni Gerald Bueno at nang makarating sa pinangyrihan ng insidente ay aksidente itong natumbok ng sumusunod na sasakyan na minamaneho ni Rostigue.

Sa resulta ay nagtamo ng sugat sa katawan ang mga sakay ng kuliglig na agad namang dinala sa pagamutan para sa kanilang karampatang lunas habang ang suspek at mga sangkot na behikulo ay dinala sa himpilan ng pulisya.

Facebook Comments