Lalaki na may Kasong 2 Counts ng Child Abuse, Timbog sa San Manuel, Isabela!

47

*San Manuel, Isabela- *Natimbog na ng mga otoridad ang lalaking wanted sa batas nang isilbi ang kanyang warrant of arrest sa Brgy. Malalinta, San Manuel, Isabela.

Nahuli bandang alas diyes kaninang umaga ang akusado na nahaharap sa 2 Counts na kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abuse na si Concepcion Comisario, 51 anyos, residente ng Brgy. Malalinta, San Manuel, Isabela.


Ito ay sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni judge Bernabe B Mendoza ng RTC Br 23, Roxas, Isabela.

Nasa kustodiya na ng PNP San Manuel si Comisario at pansamantalang makakalaya kung makakapagpiyansa ng halagang tig walumpong libong piso (80,000.00).

Facebook Comments