13 lugar sa labas ng Metro Manila, nakapagtala ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 ayon sa DOH

Aabot sa 13 lugar sa labas ng Metro Manila ang nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ayon sa Department of Health.

Sinabi ni Health Underseretary Myrna Cabotaje, kabilang ito ay ang mga probinsya ng Marinduque, Surigao del Sur, Ilocos Norte, Kalinga, Batanes, Quirino, Catanduanes at Eastern Samar.

Kasama rin sa listahan ang mga lungsod ng Davao, Butan, Olongapo, Tarlac at Angeles.


Bagama’t hindi idinetalye ni Cabotaje ang bilang ng kaso kada lugar ay sinabi nitong hindi ‘significant’ o makabuluhan ang naitalang pagtaas ng COVID-19 cases.

Tinitignan dahilan ng DOH sa pagtaas ng kaso ang pagdagsa ng mga turista, mga umuwi sa kanilang probinsya at maging ang mga isinasagawang campaign sorties ngayong halalan.

Facebook Comments