Jake Cuenca, kinumpirma ang hiwalayan nila ni Kylie Verzosa

65

Kinumpirma na ni Jake Cuenca ang bali-balitang hiwalay na sila ni Kylie Verzosa matapos ang tatlong taon magkarelasyon.

Ibinunyag ng aktor ang anunsyo sa pamamagitan ng Instagram kung saan nagpost ito ng isang miniature ng kaniyang sarili at ni Kylie.

Hindi man binanggit ni Jake ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan at iginiit nito walang naganap na “break up in anger” dahil proud ito sa naging pagsasama nilang dalawa.


Sa kabila ng break up ay sinabi ng aktor na ito ay laging nandiyan para kay Kylie at ipagdadasal ang kaniyang success sa career.

Facebook Comments