13 ‘malas’ na nangyari sa kasaysayan ng ‘Friday the 13th’

Friday the 13th–araw kung kailan ingat na ingat ang marami sa halos lahat ng bagay o gawain dahil sa paniniwalang “malas” ang araw na ito.

Hindi man malinaw kung saan nagsimula ang takot sa tila isinumpang araw, mayroong mga tala sa kasaysayan na nagdadagdag ng bigat sa kakaibang pamihiin na ito.

Narito ang 13 sa maraming insidente o trahedyang nangyari nang Friday the 13th:


    1. “Friday the 13th Virus”
      January 13, 1989, isang virus ang kumalat at sumira sa libo-libong computer sa United Kingdom.

2. 13:13
Milagrong nakaligtas ang isang batang lalaki sa England na tinamaan ng kidlat noong August 13, 2010, 1:13 PM (13:13 sa military time). 13-taong gulang ang bata noong nangyari ang insidente.

Genesee River / Britannica.com

3. “The Jersey Jumper”
Si Sam Patch ay nakilala dahil sa kapangahasan nitong tumalon sa matataas na lugar. Mas sumikat siya matapos makaligtas sa pagtalon sa Niagara Falls at Niagara River. Ngunit ilang linggo makalipas, noong Nobyembre 13, 1829 naitala ang huling talon ni Patch sa Genesee River. Apat na buwan bago makita ang bangkay nito.

AP Photo

4. Rugby Cannibalism
Noong October 13, 1970, bumagsak sa kabundukan ng Chile ang Flight 571 lulan ang 45 Uruguayan rugby team. 27 ang nakaligtas, at dahil walang suplay ng pagkain, kinain nila ang mga namatay na teammate.

Makalipas ang ilang linggo, namatay ang walo pa dahil sa pagguho ng yelo, habang ang natitirang 16 ay nailigtas lang noong katapusan ng Disyembre.

5. Aeroflot 217
Sa kaparehong araw ng pagbagsak ng Uruguayan Flight 571, nangyari naman ang tinuturing na pinakamatinding plane crash sa kasaysayan ng Russia. Nasawi ang 174 katao, kabilang ang 10 crew member nang bumagsak ang eroplano habang sinusubukang bumaba dahil sa masamang panahon.

6. Kitty Genovese
Noong March 13, 1964, 38 katao ang nakasaksi ng panggagahasa at pagpatay kay Kitty Genovese sa kanyang apartment, ngunit ni-isa ay walang tumulong o tumawag ng pulis.

Pavel Rahman/AP

7. Bhola Cyclone
Tinatayang 150,000 hanggang 500,000 residente ang namatay sa Bangaladesh nang tumama ang bagyong “Bhola” noong November 13, 1970.

Naubos ang mga pagkukunan ng pagkain kaya nagdulot din ito ng mahabang tag-gutom.

Press Association Image

8. Buckingham Palace
Binomba ni Hitler noong World War II ang Buckingham Palace noong September 13, 1940. Naroon nang mga oras na iyon ang King and Queen.

Reuters

9. Costa Concordia
January 13, 2012 nang lumubog ang Costa Concordia sa karagatan sa Italy. Ito ang pinakamalaking pampasaherong barko na tumaon–halos doble ang sakay kumpara sa Titanic.

Nasawi ang 32 katao (o higit pa dahil sa mga hindi rehistrado), at sinampahan ng kasong pagpatay ang kapitan ng barko noong 2015.

10. Stock Market “mini-crash”
Itinuturing na pangalawa sa pinakamalas na araw sa market history. Noong October 13, 1989, nag-crash ang stock market–bumagsak nang 6.91 percent.

Victoria Public Government Record

11. Black Friday Bushfires
January 13, 1939 naitala ang ikatlo sa pinakamasamang pangyayari sa kasaysayan ng Australia. Halos 20,000 sq.m kalupaan (5 milyong ektarya) ang naging abo, 1,300 bahay ang natupok at 71 katao ang nasawi sa Victoria.

12. 13th President of the Philippines
Noong November 13, 2000, na-impeach si dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada, ang ika-13 Presidente ng Republika ng Pilipinas.

13. Tuwing Friday the 13th…
Sinasabing bilyon-bilyon ang nawawala sa ekonomiya ng mundo dahil takot ang mga tao na magtrabaho o lumabas sa araw na ito, ayon sa Stress Management Center and Phobia Institute.

Facebook Comments