P13 million ang halaga ng mga smuggled na sigarilyo at gamot ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC), Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Intelligence (NBI) sa Tambo, Paranaque City.
Unang nakipag-ugnayan ang BoC sa PCG at NBI at agad nilang hinalughog ang dalawang storage facilities sa naturang lugar at dito na tumambad ang mga gamot at sigarilyo mula China.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad para panagutin ang mga sangkot sa nasabing smuggling.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Section 1400 ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Facebook Comments