Cauayan City, Isabela – Nasa labintatlong barangay dito sa lungsod ng Cauayan mula sa 65 barangay ang hindi sumusunod sa implementasyon sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act para sa Search for Model Barangay.
Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay Engr. Alejo Lamsen, pinuno ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sinabi nito na handa nang ibunyag ang pangalan ng mga barangay kung wala pa rin gagawin na aksyon sa kanilang susunod na ebalwasyon.
Aniya, nagsimula ang ginawang pag-iikot noong Nobyembre 2018 at hanggang ngayong taong kasalukuyan upang makita ang paraan ng mga barangay sa pagsunod sa nasabing programa.
Kaugnay nito, maideklara sa buwan ng Abril 2019 ang magwawagi sa Model Barangay na may limang criteria.
Kinabibilangan ng criteria ang limang E sa RA 9003; Economics, Education, Engineering, Enforcement, Environmental Impact na tig 20 porsiyento.
Samantala, nagpapasalamat naman si Engr. Lamsen sa mga barangay na gumagawa ng aksyon upang masuportahan ang programang pangkalinisan ng Lungsod ng Cauayan.