13 NA OFW SA REGION 2, TUMANGGAP NG CASH ASSISTANCE MULA SA OWWA

Tinatayang nasa mahigit 200,000 pesos na financial assistance sa ilalim ng Welfare Assistance Program ng Overseas Workers Welfare Administration Region 2 (OWWA R2) ang ipinagkaloob sa 13 na Overseas Filipino Workers (OFW) sa rehiyon dos.

Ang pamamahagi ay ginanap sa OWWA regional office sa Cagayan, kaninang umaga, Agosto 30, 2022.

May kabuuang 108,000 pesos ang halaga ng Disability assistance na ipinamahagi ng ahensiya sa limang (5) OFW mula sa iba’t ibang bayan ng Cagayan.

Ang mga na benipisyuhan sa Disability assistance ay sina Jenny Rivera na tumanggap ng 15,000; Jenny Rose Gerardo, 8,000 pesos; Sandy Alejandro, 15, 000 pesos; Laurena Tutaan, 15, 000 pesos; at Ramil A. Bangalisan na binigyan ng 10, 000 pesos.

Habang nasa kabuuang 111,000 pesos na halaga naman ng Medical/Illness Assistance ang tinanggap ng apat (4) na OFW mula sa Isabela at sa iba’t ibang bayan sa Cagayan.

Ang mga nagbenipisyo naman sa Medical/Illness assistance ay sina Jayson M. Bergado na pinagkalooban ng 15, 000; Eleanor S. Guillermo, 10,000; Ariel J. Molina,10,000; Jonalyn G. Agana, 8,000; Sharon T. Julian,20,000; Clairoshell A. Soriano; 10,000; Rowena Nartates,10,000 at isa pa na tumanggap rin ng 10,00 piso.

Sa ilalim ng WAP, ang mga OWWA members, active or non-active kabilang ang kanilang mga pamilya na hindi na karapat dapat sa mga existing OWWA social benefit programs at services ay maaring makatanggap ng Calamity assistance, Bereavement assistance, Disability assistance, Medical assistance at Relief assistance.

Facebook Comments