13 New COVID-19 Cases Kabilang ang 1 Year Old Baby, Naitala sa Cauayan City

Cauayan City, Isabela- Labing tatlong (13) panibagong positibong kaso ng COVID-19 ang muling naitala ng Lungsod ng Cauayan na nagdadala sa total cases na 65.

Ang mga nagpositibo ay sina CV3388, CV3389, CV3390, CV3391, CV3392, CV3393, CV3396, CV3397, CV3398, CV3399, CV3400, CV3402 at CV3408.

Si CV 3389, babae, 35 years old, isang clerk at residente ng Barangay Turayong. Siya ay nahawaan ng kanyang asawa na si CV 3093. Siya ay agad na pinagstrict quarantine mula nang magpositibo si CV 3093. Siya ay asymptomatic of hindi nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 at Siya’y kasalukuyang nasa pangangalaga ng LGU quarantine facility.


Pangalawa ay si CV 3388, lalaki, 27 years old, may asawa at residente ng Barangay Culalabat. Siya ay isang Evangelical worker. Nagkaroon siya ng ubo at lagnat noong November 5, 2020 kaya’t agad niya itong inireport sa ating City Health Office. Siya ay kinuhanan ng sample at ngayong araw lumabas ang resultang siya ay positibo sa COVID-19. Siya po ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng LGU quarantine facility.

Pangatlo ay si CV 3390, lalaki, 33 years old, residente ng Barangay San Fermin. Siya ay isang service crew sa isang fast food restaurant. Siya ay nagkaroon ng sintomas gaya ng lagnat, pagkawala ng panlasa at pang-amoy noong November 9, 2020, agad niya itong inireport sa ating City Health Office kaya’t siya ay agad kinuhanan ng sample, ngayong araw lumabas ang resulta na siya ay positibo sa COVID-19. Siya naman ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng LGU quarantine facility.

Dalawa sa nagpositibo ay sina CV 3391 at CV 3392, mga kapamilya ni CV 3092. Sila ay residente ng Barangay San Fermin. Sila ay nakaranas ng sintomas gaya ng ubo, pananakit ng ulo at kalamnan, pagkawala ng panlasa at pagtatae. Sila ay agad pinagstrict home quarantine mula ng malamang positibo si CV 3092. Sila ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng LGU quarantine facility.

Sumunod dito ay si CV 3393, lalaki, 20 years old, residente ng Branagy San Fermin, tubong Maligaya Palanan. Siya ay direct contact ni CV 3094 (kasamahan sa trabaho). Nagkaroon siya ng sipon noong November 6, 2020. Siya ay agad pinagstrict home quarantine matapos malamang positibo si CV 3094. Siya ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng LGU quarantine facility.

Sumunod ay si CV 3396, babae, 1 year old, residente ng Barangay Villa Conception. Siya ay direct contact ni CV 3100 (ama). Siya ay asymptomatic o hindi nagpapakita ng anumang sintomas ng COVID-19. Siya ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng LGU quarantine facility.

Pang-walo ay si CV 3397, babae, 32 years old, residente ng Barangay Daburab. Siya ay direct contact ni CV 3241 (kaibigan). Siya ay agad pinagstrict home quarantine matapos malamang positibo si CV 3241. Siya ay asymptomatic o hindi nagpapakita ng anumang sintomas ng COVID-19 at siya’y kasalukuyang nasa pangangalaga ng LGU quarantine facility.

Dalawa sa nagpositibo ngayong araw (CV 3398, CV 3400) kaanak at empleyado ni CV 3228 at CV 3229. Si CV 3398 ay residente ng Barangay Turayong ay nakaranas ng mga sintomas gaya ng ubo at sipon, samantalang si CV 3400 na residente naman ng Barangay San Fermin ay asymptomatic o hindi nagpapakita ng anumang sintomas ng COVID-19. Sila ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng LGU quarantine facility.

Sumunod na naitala ay si CV 3399, lalaki, 66 years old, residente ng Barangay Turayong. Siya ay may history of travel sa bayan ng San Fernando, La Union. Siya ay nakaramdam ng sintomas gaya ng ubo at lagnat noong November 16, 2020 at agad niya itong inireport sa City health Office. Agad naman siyang kinuhanan ng sample at ngayong araw lumabas ang kaniyang resulta bilang positibo sa COVID-19. Siya ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng LGU quarantine facility.

Pang labing dalawa na naitala ngayong araw ay si CV 3402, lalaki, 68 years old, residente ng Barangay District 2. Siya ay nakaramdam ng ubo, lagnat at paninikip ng dibdib noong November 16, 2020. Siya ay idinala sa isang pribadong hospital, bilang protocol, siya ay kinuhanan ng sample at ngayong araw lumabas na siya ay positibo sa COVID-19. Siya ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Hospital Quarantine Facility.

Panghuli ay si CV 3408, lalaki, 25 years old, residente ng Barangay San Fermin, tubong Zone 3, Sampaloc, Cabatuan. Siya ay direct contact ni CV 3098 at CV 3149 (kasamahan sa trabaho). Siya ay agad pinagstrict home quarantine matapos magpositibo ang kaniyang mga direct exposure. Siya ay asymptomatic o hindi nagpapakita ng sintomas ng COVID-19. Siya ay kasalukuyang nasa Cabatuan Social Hall Quarantine Facility.

Facebook Comments