13, patay sa Independence Day attack sa Myanmar

51

Myanmar – Patay ang 13 pulis habang sugatan ang siyam na iba pa matapos umatake ang mga rebelde sa apat na police post sa Myanmar.

Ito ay sa gitna ng pagdiriwang ng Independence Day ng bansang Myanmar.


Ayon kay Myanmar Military spokesman Zaw Min Tun, mga miyembro ng Arakan Army ang sumugod sa Buthidaung area sa Northern Rakhine.

Napilitan rin aniya ang iba pang mga pulis na abandonahin ang lugar dahil sa nangyaring pag-atake.

Tiniyak naman ni Zaw na nagsasagawa na ng clearing operation ang militar sa Northern Rakhine.

Facebook Comments

From Advertisers