Jett Manuel ng Barangay Ginebra, titigil na sa paglalaro

82

Manila, Philippines – Titigil na sa paglalaro si Jett Manuel ng Barangay Ginebra para ituloy ang pagiging isang full-time civil engineer.

Ayon kay Manuel, nais nitong makapagtrabaho para magamit ang tinapos nitong kurso sa University of the Philippines.


Si Manuel ay pang-12th overall pick ng Ginebra noong 2017 PBA Rookie draft na pumirma ng isang taon sa Gins.

Bagaman nalulungkot, sinabi ni Ginebra coach Tim Cone na suportado niya ang desisyon ni Manuel at kaniya itong nirerespeto.

Facebook Comments

From Advertisers