Nasa 13 ang nasawi at 40 ang nawawala matapos manalasa ang Typhoon Molave o Bagyong Quinta sa Quang Nam Province sa Vietnam.
Karamihan sa mga nasawi ay dahil sa nangyaring landslide kung saan itinuturing ng gobyerno ng Vietnam na ang Typhoon Molave ang isa sa pinakamalakas na bagyo na kanilang naranasan matapos ang halos isang dekada.
Ayon kay Prime Minister Trinh Dinh Dung, kaya nilang malaman ang mga daraan ng bagyo pero hindi naman nila agad na malalaman kung may mga mangyayaring mga landslide.
Agad na idineploy ng pamahalaan ng Vietnam ang kanilang mga sundalo at ilang kagamitan para tumulong sa search and rescue operations sa iba pang nakaligtas sa landslide kung saan patuloy na inaasikaso ang pagbabalik ng suplay ng kuryente habang nasa 56,000 na bahay ang nasira ng dahil sa bagyo.