13 police Pampanga na nasasangkot sa maanomalyang anti drug operation all accounted at handang humarap sa imbestigasyon ayon sa PNP

Nakahandang humarap sa imbestigasyon  ng DILG at Department of Justice ang labing tatlong pulis Pampanga na nasasangkot sa maanomalyang anti drug operation sa Pampanga noong 2013.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac all accounted ng  Philippine National Police ang mga pulis na ito.

 

Labing dalawa aniya sa mga pulis Pampanga ay nasa kustodiya ng personnel and holding accounting unit ng PNP sa Camp Crame.


 

Habang ang isa na kinilalang si Police Col Rodney Raymundo Baloyo ay  nakakulong ngayon sa New Bilibid Prison matapos na ma-contempt sa isinagawang padinig ng Senado dahil sa hindi pagsasabi ng totoo.

 

Bukas ay muling magkakaroon pagdinig ang Senado hinggil sa isyu ng Good Conduct Time Allowance o GCTA for sale pero ayon kay Brig Gen Banac wala pang natatangap na imbitasyon si PNP Chief Albayalde para muling dumalo sa pagdinig.

Facebook Comments