Mag-asawa, 3 anak natagpuang patay sa loob ng bahay dahil sa hinihinalang murder-suicide

Natagpuang patay ang isang pamilya kabilang ang mag-asawa at ang tatlo nilang anak sa loob ng kanilang bahay sa Massachusetts.

Ayon sa pulisya, nadiskubre ang pangyayari nang pumunta ang kaanak ng pamilya sa kanilang condo unit para sunduin ang mga bata at ihatid sa paaralan.

Napag-alamang ang mga biktima ay isang 43-anyos na tatay, isang 40-anyos na nanay, isang 11-anyos na anak at 9-anyos na kambal.


Batay sa ulat ng opisyal, lumalabas na matinding tama ng baril ang dahilan ng pagkamatay ng naturang pamilya.

“It is a crime, a crime occurred in that building and three little children are gone forever as a result of this,” saad ni Plymouth District Attorney Timothy Cruz.

Dagdag pa niya, “This appears to be an isolated incident — there is no current threat to public safety.”

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay ang Abington School District kung saan nag-aaral ang mga nasaawing anak.

Sabi ng kanilang superintendent na si Peter Schafer, “We are heartbroken to share with you that the Zaccardi Family, an Abington family, died unexpectedly last night.”

Hinihinala namang murder-suicide ang nangyari.

Facebook Comments