13 senador, pumirma na ng resolution upang maging Senate President si Sotto

Pinirmahan na ng 13 na senador ang resolution kung saan naglalayong maging Senate President si Vicente “Tito” Sotto III.

Ang mga senador na pumirma ay sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sonny Angara, Nancy Binay, Sherwin Gatchalian, Panfilo Lacson, Manny Pacquiao, Grace Poe at Joel Villanueva.

Kinakailangan ni Sotto ng 13 signatories upang sa kaniya mapunta ang pinakamataas na posisyon sa Senado.


Samantala, pumirma rin ang outgoing senators na sina Gringo Honasan, Francis “Chiz” Escudero at Loren Legarda.

Pinahayag ni Pacquiao na wala pa ang suporta ni Pangulong Duterte sa senate presidency ni Sotto.

Facebook Comments