Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 13 volcanic earthquakes sa paligid ng Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras kung saan tumatagal ang mga ito ng hanggang tatlong minuto.
Dahil dito, hindi isinasantabi ng ahensya na makapagtala ng mas malakas pang pagsabog sa Bulkang Taal sa mga susunod na araw.
Ngunit sa interview ng RMN Manila kay PHIVOLCS Executive Director Renato Solidum, sinabi nito na malabo pa sa ngayon ang makaranas muli ng singlakas na pagsabog katulad ng naramdaman noong January 2020.
Ayon kay Solidum, bunsod ito ng pagpapakawala kaagad ng usok ng magma sa mababaw na parte ng bulkan dahilan para hindi makabuo ng pressure sa loob nito na siyang kailangan upang ito ay sumabog.
Facebook Comments