130 Pinoy sa abroad, gumaling sa COVID-19

16

Nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 130 na Pinoy na gumaling sa COVID-19 sa abroad.

143 naman na Pinoy ang bagong tinamaan ng virus habang walang naitalang binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 18,840 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng virus.

6,112 sa mga ito ang patuloy na nagpapagaling, 11,560 ang total recoveries habang nananatili sa 1,168 ang total deaths.

Facebook Comments