13,000 immunocompromised individuals, inaasahan ng NVOC na magpapaturok ngayong araw ng 4th dose

Nasa 7,000 hanggang 13,000 immunocompromised individuals ang inaasahang magpapaturok ng 4th dose o 2nd booster shot.

Ito ay kasunod nang inaasahang pag-arangkada ng pagtuturok ng 2nd booster shot ngayong araw sa ilang piling indibidwal.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na base sa pagtaya ng NVOC ay nasa 690,000 immunocompromised individuals ang mayroon nang 3rd dose kung saan 7,000 hanggang 13,000 ang nakikita nilang magpapaturok ng 4th dose ngayong araw sa buong bansa.


Aniya, maaari pa itong tumaas depende na rin sa kakayahan ng mga Bakuna Center at Local Government Units na magturok ng 2nd booster.

Sa naunang desisyong ng Department of Health (DOH), tanging ang mga pasyenteng nakatanggap ng organ transplant, mga taong umiinom ng gamot para sa kanilang immunosupressives, nagkaroon ng kidney transplant, cancer patients, HIV/AIDS patients, mga pasyenteng mayroong chronic dialysis gayundin ang mga taong may primary immunodeficiency at mga mahihina ang immune system ang tuturukan ng 4th dose.

Hindi pa muna kasama sa mga mabibigyan ng 2nd booster shot ang mga medical health workers, senior citizens at iba pang kabilang sa A3 o may comorbidities.

Facebook Comments