Pagdinig hinggil sa wage hike petition, nagpapatuloy

122

Tuloy pa rin ang isinasagawang hearing sa ilang mga probinsya kaugnay sa wage hike petition.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ongoing ang lahat ng pagdinig sa mga Regional Wage Board.

Ani Bello, ang Regional Wage Board ang nakakaalam kung ano ang economic situation sa kanilang nasasakupan.


Sinabi pa ng kalihim na wala pang pinal na araw kung kailan mailalabas ang resulta ng pagdinig.

Pero paggigiit nito, mayroon siyang inisyung urgency sa Regional Wage Boards dahil importanteng madesisyunan agad ang hirit na taas sweldo lalo pa’t walang humpay ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Facebook Comments