Nasa higit 13,000 jobseekers ang malapit nang magkaroon ng bagong trabaho.
Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 13,651 mula sa 60,795 jobseekers ang lumahok sa May 1 Online Job Fair na nagkwalipika para sa iba’t ibang vacancies.
Mula sa mga kwalipikado, nasa 296 jobseekers ang na-hire-on-the-sport.
Sinabi ni Bello na 3,884 ng mga aplikante ang ikinokonsiderang hired, pero kailangan pa ring magsumite ng karagdagang requirements o kailangang sumailalim sa interview o exam.
Batay sa Bureau of Local Employment, 217 jobseekers ang ini-refer sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa skills training o re-tooling.
Nasa 224 ang ini-refer naman sa Bureau of Workers with Special Concerns para sa livelihood training at 138 naman ang ini-refer sa Department of Trade and Industry para sa business inquiries and concerns.