Nakararanas ng aftershocks ang ilang bahagi ng Cagayan kasunod ng tumamang magnitude 6.3 na lindol sa Dalupiri Island.
Ayon sa monitoring ng Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), hanggang kaninang alas-11:00 ng umaga ay mayroon nang 131 na aftershocks ang naitala.
Mula rito, 26 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon.
Ang mga naitalang aftershock ay may lakas na mula magnitude 1.5 hanggang 3.7 at may lalim na mula 7 Hanggang 29 km.
Facebook Comments