Problema sa scamming sa bansa, lalong lumala

Tumindi pa ang problema ng bansa sa scamming kaysa problema sa iligal na droga.

Ito ang sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission matapos matuklasan na ang SIM cards pa rin ang ginagamit sa panloloko kahit na mayrong umiiral na SIM card registration.

Isinisi naman ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang nasabing kapalpakan sa telecommunication companies dahil sa kakulangan ng security features sa pagpaparehistro ng SIM.


Nabatid na kabilang sa mga nakapagparehistro ng SIM ang cartoon character na si Bart Simson at Japanese anime character na si Monkey D. Luff ng One Piece dahil tinanggap ng telco ang kanilang picture.

Kasunod nito, ipinanukala ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang person to person evaluation sa mga cellphone user na magpaparehistro ng sim at ang pagkakaroon ng mas mahigpit na verification sa mga telco.

Facebook Comments