133 Bagong Sundalo, Nagtapos ng Pagsasanay sa 5ID

209

Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela – 133 na matitikas na mga bagong sundalo ang nagtapos sa kanilang pagsasanay sa ilalim ng pamamahala ng 5ID, PA.


Ang mga nagtapos na sundalo ay kabilang sa Matanglas Class 454-2017 ay pinangunahan ni Candidate Soldier Jay Lord Pasaraba ng Barangay Binag, Lal-lo, Cagayan na nakakuha ng 90.24 % mula sa academic at non-academic requirements.

Pumangalawa ay si Rodel Cabagbag na nakakuha ng 90.09 percent at ang pumangatlo ay si Rizaldo D Agliam Jr na nakakuha ng 89.74 percent.

Kinilala naman si Richard Aribbay bilang pinakamalakas sa mga nagtapos sa kanyang natanggap na Tarzan Award sa kanyang general average na 94.83 percent mula sa Physical Fitness Test.

Naging panauhing pandangal sa naturang pagtatapos si MGen Paul Talay Atal, ang commanding general ng 5ID, Philippine Army.

Kabilang sa kanyang mensahe ay ang pagpapaalala ng pagiging marangal ng propesyong pagkasundalo at ang kinakailangang ambag para sa isang sandatahang lakas na maipagmamalaki sa buong mundo.

Facebook Comments