Pulis Crame, patay matapos atakihin sa puso pagkatapos mag-ehersisyo

Camp Crame – Patay ang isang pulis na nakatalaga sa Police Security Protection group makaraang atakihin sa puso matapos na mai-exercise sa loob ng Camp Crame kahapon.

Kinilala ang biktima na si SPO2 Moisis Tegrado, 50 anyos, na napag-alamang may sakit na hypertension at diabetes.

Ayon kay PNP health Service director Police chief Supt. Edward Carranza, naisugod pa ang bikitima sa emergency room ng PNP General Hospital pero hindi na ito naisalba pa ng mga doktor kahapon ng hapon.


Ang biktima ay nakikiisa sa slim possible program na regular na ginagawa ng mga pulis sa grandstand sa Camp Crame.

Facebook Comments